Monday, November 25, 2019

Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa Dekada ‘70


Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa Dekada ‘70

Buod: Rodavelle Galvez Neñez


          Maraming mamamayang pilipino ang naghirap sa panahon ng Martial Law. Hindi mabilang ang nagtamo ng sugat at namatay, laganap rin sa panahong ito ang pagkitil ng buhay o salvaging. Marami ang nawalan, nagdusa’t naghirap, nagpapakiwaring mabigyan ng hustisya ang kanilang di-makatarungang napagdaanan. Ang karapatang mabuhay ng matiwasay ay tila ipinagkanulo sa kanilang mga biktima ng karahasan. Marami na ang nagprotesta, kabilang na rito ang mga estudyante’t guro na nais makamtan ang ipinagkait na kalayaan. Lahat sila’y takot para sa kanilang kaligtasan, kabilang na rito si Amanda Bartolome, ina ng lima niyang anak na lalaki.
          Si Jules na isang komunista ay ang panganay na anak ni Amanda. Si Gani naman ang pangalawa sa panganay, maaga itong nagkaasawa’t nagkaanak ngunit di naglao’y nagkahiwalay rin sa kanyang asawa. Linisan ni Gani ang bansa at namuhay sa abroad kasama ang kanyang bagong pamilya. Pangatlo naman ang matalinong si Em, isa naman siyang magaling na manunulat sa lingguhang pahayagan na tumutuligsa sa hindi makatarungang pamumuno ng administrasyon. Pang-apat naman ang pinakamalambing na anak ni Amanda, si Jason. At si Bingo naman ang bunso sa magkakapatid.
          Isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang pumukaw sa atensyon ng pamilya. Isang malamig na bangkay na ng matagpuan sa basurahan ang pang-apat na anak ni Amanda. Kalunos-lunos ang sinapit nito, hubo’t hubad ng matagpuan, may labimpitong-saksak  na tagos pa sa baga, tastas rin ang hita’t talop halos ang siko, nagmarka rin ang pinaghihinalaang alambreng itinali sa pulso. Salvage ang hinala ng karamihan, walang sino man ang nakakaalam sa tunay na nangyari, kung sino’t ano ang dahilan sa kanyang pagkitil.
          Ang asawa naman ni Amanda’y tila naging manhid. Nais niya na itong hiwalayan ngunit nangako naman itong magbabago. Masakit at mahirap tanggapin ang kalunos-lunos na nangyari sa kaniyang pamilya, ngunit naisip niyang nararapat lang na siya’y magpakatatag at huwag sumuko sa hamon ng kanyang buhay.
          Lumipas ang panahon, hindi man nawala ang sugat ng kanyang malagim na kahapon, nanatiling matatag si Amanda. Inaalala na lamang niya ang mga panahong musmos at maliliit pa ang kanyang mga anak, masaya at wala pang pinoproblema. Malimit ding magdala ng mga sugatang kasama si Jules sa bahay ng kanyang ina. Bukal naman sa kalooban ni Amanda na tulungan ito, hindi man niya obligasyon ito’y para sa kanya’y nararapat. Mapangahas at delikado man ang kanyang ginagawa’y hindi niya ito pinapansin hangga’t siya’y may maitutulong, sapagkat para sa kanya’y may katapusan rin ang lahat ng gahaman sa kapangyarihan.





PHOTO CREDIT:
  • martiallawchroniclesproject.com: https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.martiallawchroniclesproject.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2016%2F01%2Fglobe-steel-labor-strike-martial-law-20150921-005_141AC0FD0F1C4DFE80616FBABF5F5B87.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.martiallawchroniclesproject.com%2Fcategory%2Frape%2F&tbnid=63L1tam17bpbyM&vet=1&docid=YfRJNSuACHUKNM&w=640&h=427&itg=1&hl=en-GB&source=sh%2Fx%2Fim


No comments: