Monday, November 25, 2019

Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano


Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano
John A. Amtalao at Jane K. Lartec
Abstrak: Rodavelle Galvez
          Ang festival ay sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng identidad at kultura ng isang lipunan sa pamamagitan ng kanilang paniniwala, gawi, at pagpapahalaga. Ang Sillag Festival ay terminong Ilokano na nangangahulugang sinag ng buwan o moonbeam. Ang pag-aaral na ito ay sumisiyasat sa pagwiwika ng Sillag Festival bilang daluyan ng identidad at kultura ng mga Ilokano. Ang mga pahayag at larawang nakuha mula sa pamunuan ng Poro Point Management Corporation (PPMC) at pakikipanayam sa tatlumpong (30) napiling respondents na binubuo ng mga tagapamahala, kalahok, at mga manonood na nakasaksi sa iba’t-ibang aktibidades, sinuri ang mga simbolismo na nagpapakita ng kultura at identidad ng mg Ilokano sa pamamagitan ng transkripsyon at coding. Mula sa nakuhang datos, nakabuo ng tatlong tema; wika ng produkto, wika ng kasuotan o kagamitan, at wika ng sayaw. Ang mga temang ito ay nagsisilbing pundasyon ng kanilang pagkakakilanlan, ang ipinapakahulugan nito ay ang pagiging mapagtangi, malikhain, at mapagpasalamat ng mga Ilokano. Lubos ngang mayaman ang ating bansa sa kultura, sapagkat dahil dito’y nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang ating lipunan.

Mga susing salita: Sillag festival, kultura, identidad, at Ilokano






PHOTO CREDIT:
  • wazzuppilipinas.com: https://images.app.goo.gl/tuZaEDC46wcLFeRD6

No comments: