Monday, November 25, 2019

Paggamot, Medisina, at Wika


Paggamot, Medisina, at Wika
Enrico R. Azicate
Abstrak:  Rodavelle Galvez Neñez
 


          Ang konsepto ng wikang Filipino bilang isang teknikal na wika ay hindi pa gaanong tanggap ng maraming sektor sa kasalukuyang lipunan. Ang wikang teknikal ay masasabing partikular sa isang pangkat o sektor ng lipunan na mayrong pagkadalubahasa, o pagka-eksperto sa isang larangan ng kaalaman. Ito’y isang simpleng usaping pagpapalawak ng bokabularyo, isa rin itong usapin sa pagkaalam at pag-unawa ng isang katangi-tanging daigdig o pangmundong pananaw. Ang wikang siyentipiko at matematiko ng kanluran ay ilan sa mga halimbawa. May dalawang landas ng wika: ang pangkaraniwang wika at ang teknikal na wika.
          Awstronesyano (katutubo), Hudeyo-Kristiyano, at kanlurang siyentipiko ay ang tatlong tradisyon ng paggamot sa Pilipinas. Sa ating kasaysayan hindi lubusang nawala o nabura ang naunang tradisyon ng paggamot. Ang kabigatan ng sakit ay lilitaw batay sa pagkaugnay nito sa bahagi ng taong ginagamot, sino ang gumagamot, at paano ginagamit ang kalagayan. Batay ito sa konsepto ng “structural analogues”. Ang wikang ginagamit sa kanilang diskurso ay hindi teknikal kundi ang wikang pangkaraniwan.
          Ang manggagamot ay mayroong espesyalisasyon na sumusunod sa tatlong panguhaning uri ng sakit. Ang mga sakit ng katawan ang naging sanhi ng pag-usbong ng maraming espesyalista: hilot, albularyo, atbp. Ayon sa mga kastila, mayroon din daw “bne-setters, leech-crafters” at apotekaryo (gumagawa ng gamot). Ang babaylan o katalonan ay espesyalista sa mga sakit ng ginhawa at kaluluwa. At kung itutuloy natin ang lohiko ng ating pag-analisa, ang mga mangkukulam, mambabarang at mga tambalan ay espesyalista rin sa sakit ng ginhawa at kaluluwa.
 

Mga susing salita: wikang Filipino, paggamot, Medisina, structural analogues







Photo Credit: 
  • prezi.com: https://images.app.goo.gl/X2aJkhjem8G3F7pn7

No comments: