Monday, November 25, 2019

Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-halo, Tingi-tingi at Sari-sari


Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-halo, Tingi-tingi at Sari-sari
Tereso S. Tullao Jr.
Abstrak:  Rodavelle Galvez
      

    Ang ekonomiks ay isang sistematikong pamamaraan ng pag-aaral, pagsusuri, pagtitibay, at pagsagot na tumutugon sa problema ng kabuhayan at kaunlaran ng lipunan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng may layuning makapagpaunlad sa wikang Filipino sa ating lipunan.  Hindi maikakaila ang importansya ng wika sa atin, ang kahalagahan nito’y naging dahilan ng ating pagkakabuklod-buklod bilang isa, sa pagkakaroon ng sariling wika rin natin mas naipapahayag ang tunay nating saloobin kung kaya’t nagkakaroon ng pagkakaunawaan ukol sa isang bagay. Sa mga nagdaaang henerasyon, maraming sulatin na ang nailimbag, nararapat lamang na ito’y bigyan natin ng puwang at bagkus ay tularan. Ilan sa mga Pilipinong propesor na ito ay sina Isagani Cruz, Nicanor Tiongson, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta, at Virgilio Enriquez na gumamit ng wikang Filipino sa pagsusuri, paglilinaw, at pagsasaayos sa iba’t-ibang konsepto ng katauhan, buhay, at lipunan. Tinalakay at sinuri ng sanaysay na ito ang limang pangunahing konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino. Layunin ng pag-aaral na makapagbigay ng panimulang introduksiyon sa sangay ng agham panlipunan at magamit ang nakuhang kaalaman sa paglutas ng problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran sa isyu ng ating lipunan.
 

Mga susing salita: pagpapaunlad ng wika, konsepto sa ekonomiks, diwang Pilipino, problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran






PHOTO CREDIT:
  • quizizz.com: https://images.app.goo.gl/XAf7TrCP4e9iDhxVA

No comments: